Ang OFWK RadioFM o OFW-Kabayan Radio ay natatag pa noon May
2015. Noong una, tune-in lang ang radio namin at mga halo-halong musika lang ang marinig ninyo na may nakatagong player na
hindi ninyo mapapansin. Kaya lang pag
nag refresh kayo ng browser, babalik kayo sa umpisa kung saan nag start ang
musika ng radio pero atleast may naririnig kayong songs o music na English at
Pinoy Songs sa radio. Yun ay libangan ko
na rin kasi pinag-aralan kung papaano gawin. Dahil mahilig akong mangangalkal o
mangangalikot sa internet madami rin
akong natutunan. Nag aaral na ako kung
ano-anong programs basta ba may natutunan.
At isa na itong radio na ginagawa ko.
Natoto rin ako kung paano gumawa ng simpleng website na walang nagtuturo
sa akin at marami pa akong natutunan sa pamamagitan lang dito sa internet . Sa totoo lang, kung masipag kang mag aral na kung ano-ano, dito sa
internet marami kang matutunan kung intresado ka.
Ang OFWK RadioFm o OFW-Kabayan RadioFM ay isang non-profit
online radio station na nagbibigay ng aliw o kasiyahan sa pamamagitan sa pakikinig
ng aming radio. Dito maririnig mo ng mga
tugtugin na English at pinoy songs (halo-halo ding mga dialect na
pangpinoy). Maliban sa mga musika, may
mga iba’t ibang mga programa din kaming inihanda para sa inyo tulad ng mga
kwento at istorya ng mga pinoy, mapa OFW ka man o hindi ang inyong
matutunghayan tulad ng mga kwento, istorya at karanasan ng mga OFW
(nagtratrabaho ka man o naninirahan sa abroad o ibayong dagat) o maski nasa
Pilipinas ka, Kwento mismo ng mga OFW kung saan sila mismo ang magsalaysay/magkwento
sa inyo, Mga tips sa love life/pag-ibig
o sa pang personal na buhay ninyo, Mga drama/sadula sa radio, Kwento mo Kwento
ko, discussion ng pang masa, balita, Jokes at iba pa. Kaya ang OFWK RadioFM o OFW-Kabayan RadioFM
ay kaiibang radio na matutunghayan ninyo sa online radio sa internet at
seguradong masiyahan kayong makikinig sa amin.
Ang OFWK RadioFM o OFW-Kabayan Radio ay Live-tune-In radio
din at kung minsan nag on-air din pag hindi ako busy o walang trabaho. Dahil
OFW din ako na nagtratrabaho dito sa Saudi Arabia kaya trabaho muna bago ang
radio, syempre work muna baka mamaya e mawalan pa ako ng trabaho. Ang OFWK RadioFM ay libre lang. Sinabi kong libre dahil hindi kami nagbabayad na kung ano-ano pa. Kasi kung magkaroon ka ng radio e may mga
binabayaran ka tulad ng website, storage MP3, radio provider kung saan doon ka
magdadaan sa kanila para makapag on air ka sa airy sa pamamagitan ng intert at
may mga iba pang miscellaneous na babayaran mo.
Dine sa OFWK RadioFM, hindi kami gumastos para lang magka radio. Kunting
sipag, tyaga at sakripisyo lang ang puhunan para magkaroon ng
radio. Maliban lang sa internet
connection, syempre may bayad yun pero ok lang kasi mostly sa mga pinoy na nasa
abroad, mahirap man o maganda ang trabaho mo, hindi mawawala ang internet. Yun lang naman din ang libangan ng mga kapwa
pinoy na nagtratrabaho sa abroad o sa ibayong dagat dahil ginagamit sa
communication sa mga pamilya, kaibigan, etc. by means sa internet. Ako hindi pwede na gastos lang ng gastos
kasi hindi naman ako mayaman o maganda ang trabaho ko. Isa lang akong simpleng tao na nagtratrabaho
din sa abroad na makakaraos din para sa pamilya na mabigyan ng kunting
kaginhawaan kaya sa akin, medyo tipid sa budget o gastusin, pinadala ko sa
mapilya ko ang kinikita ko. Kaya hindi
ako pwedeng gastos lang gastos, bawat sintimo ay mahalaga sa akin. Kaya iisipin ko muna kung anong bibilhin ko
na kailangan ko talaga. Anyhow, ganoon
ang magkaroon ng radio, kailangang gumastos ka pero ang aming radio na OFWK
RadioFM ay libre, ‘ika nga no dimes spent para lang magkaroon ng radio in other
words FREE o libre.
Ang ibang mga programa dito sa OFWK RadioFM ay hindi pag
may-ari. Kinukuha o nakuha lang din namin
sa pamamagitan ng internet, websites, newspaper, magazine, balita at iba pa sa
pamamagitan ng iba’t ibang sources at dito lang namin sine-share sa radio para
atleast napakinggan ng kapwa pinoy natin na nasa ibang bansa man o Pilipinas at
nakaka aliw mapakinggan at kung minsan may natutunang aral kaya o nakapag share
ng idea sa mga listeners sa radio. At sa mga istorya at kwento namin dito sa radio
na nabasa at ginagamit na kayo ang may-ari, salamat na lang din dahil
sine-share lang din namin. Kung medyo
very personal ang detalye, itoy binabago rin namin ang mga pangalan para naman
ma-protiktahan yun pang personal nilang
reputasyon. Kung may ma-ishare din kayo,
pwede rin kayong sumulat sa amin o
e-message sa akin sa pamamagitan sa mga address ko sa Facebook kung saan
doon ninyo kami ma reach. Kung gusto ninyo ako maging kaibigan o sumulat sa
akin paki click na lang ang link na pang personal ko dito sa https://www.facebook.com/djborriz.ofwkradiofm. At kung gusto rin naman ninyo sumali sa
grupo ng OFWK RadioFM paki click na lang din ang link na ito kung saan ihahatid
kayo sa grupo mismo kung saan karamihan ay mga OFW din ang kasali. Maski hindi ka OFW kung pinoy ka rin, pwede
ka ring sumali sa grupo at pwede rin kayong magsulat kung gusto ninyo basta
hindi lang bastos ang isususlat o ang e post ninyo dahil ang grupo din ay pang
public at pang masa. Ito naman ang link
ng grupo : https://www.facebook.com/groups/OFWKABAYANRADIOFMFANS/ kung saan marami na ring mga sumasali. Ang OFWK RadioFM ang may sariling Page din
kung saan pwede rin kayong bumisita at mag-LIKE
doon at ito naman ang link: https://www.facebook.com/OFWKabayanRadioFm/
.
Kung cellphone ang gamit ninyo, pwede rin ninyo kaming
mapakinggan dito sa link na ito: http://ofwkabayanradiofm.radiostream321.com/
. Dahil kung ang website namin ang
dadalawin ninyo, wala kayong maririnig kasi masyadong malaki kung yun ang papasyalan ninyo dahil
hindi kaya ng cellphone ang site ng radio mismo namin. Pwede ka lang sumali sa chat o mag request ng
songs o ano pa ang gusto mong e-request like bumati, pangumusta etc. Pwede lang mapakinggan ang website kung
loptop o desk computer mo o yung pwede ang website e browse ng pang malakihan.
OFWK RadioFM Management