Pages

About OFWKRfm

Ang OFWK RadioFM o OFW-Kabayan Radio ay natatag pa noon May 2015.  Noong una, tune-in lang ang radio namin at mga halo-halong musika lang ang marinig ninyo na may nakatagong player na hindi ninyo mapapansin.  Kaya lang pag nag refresh kayo ng browser, babalik kayo sa umpisa kung saan nag start ang musika ng radio pero atleast may naririnig kayong songs o music na English at Pinoy Songs sa radio.  Yun ay libangan ko na rin kasi pinag-aralan kung papaano gawin. Dahil mahilig akong mangangalkal o mangangalikot sa internet  madami rin akong natutunan.  Nag aaral na ako kung ano-anong programs basta ba may natutunan.  At isa na itong radio na ginagawa ko.  Natoto rin ako kung paano gumawa ng simpleng website na walang nagtuturo sa akin at marami pa akong natutunan sa pamamagitan lang dito sa internet .  Sa totoo lang, kung masipag  kang mag aral na kung ano-ano, dito sa internet marami kang matutunan kung intresado ka.

Ang OFWK RadioFm o OFW-Kabayan RadioFM ay isang non-profit online radio station na nagbibigay ng aliw o kasiyahan sa pamamagitan sa pakikinig ng aming radio.  Dito maririnig mo ng mga tugtugin na English at pinoy songs (halo-halo ding mga dialect na pangpinoy).  Maliban sa mga musika, may mga iba’t ibang mga programa din kaming inihanda para sa inyo tulad ng mga kwento at istorya ng mga pinoy, mapa OFW ka man o hindi ang inyong matutunghayan tulad ng mga kwento, istorya at karanasan ng mga OFW (nagtratrabaho ka man o naninirahan sa abroad o ibayong dagat) o maski nasa Pilipinas ka, Kwento mismo ng mga OFW kung saan sila mismo ang magsalaysay/magkwento sa  inyo, Mga tips sa love life/pag-ibig o sa pang personal na buhay ninyo, Mga drama/sadula sa radio, Kwento mo Kwento ko, discussion ng pang masa, balita, Jokes at iba pa.  Kaya ang OFWK RadioFM o OFW-Kabayan RadioFM ay kaiibang radio na matutunghayan ninyo sa online radio sa internet at seguradong masiyahan kayong makikinig sa amin.

Ang OFWK RadioFM o OFW-Kabayan Radio ay Live-tune-In radio din at kung minsan nag on-air din pag hindi ako busy o walang trabaho. Dahil OFW din ako na nagtratrabaho dito sa Saudi Arabia kaya trabaho muna bago ang radio, syempre work muna baka mamaya e mawalan pa ako ng trabaho.   Ang OFWK RadioFM ay libre lang.  Sinabi kong libre dahil hindi kami nagbabayad  na kung ano-ano pa.  Kasi kung magkaroon ka ng radio e may mga binabayaran ka tulad ng website, storage MP3, radio provider kung saan doon ka magdadaan sa kanila para makapag on air ka sa airy sa pamamagitan ng intert at may mga iba pang miscellaneous na babayaran mo.  Dine sa OFWK RadioFM, hindi kami gumastos para lang magka radio.  Kunting  sipag, tyaga at sakripisyo lang ang puhunan para magkaroon ng radio.  Maliban lang sa internet connection, syempre may bayad yun pero ok lang kasi mostly sa mga pinoy na nasa abroad, mahirap man o maganda ang trabaho mo, hindi mawawala ang internet.  Yun lang naman din ang libangan ng mga kapwa pinoy na nagtratrabaho sa abroad o sa ibayong dagat dahil ginagamit sa communication sa mga pamilya, kaibigan, etc. by means sa internet.    Ako hindi pwede na gastos lang ng gastos kasi hindi naman ako mayaman o maganda ang trabaho ko.  Isa lang akong simpleng tao na nagtratrabaho din sa abroad na makakaraos din para sa pamilya na mabigyan ng kunting kaginhawaan kaya sa akin, medyo tipid sa budget o gastusin, pinadala ko sa mapilya ko ang kinikita ko.  Kaya hindi ako pwedeng gastos lang gastos, bawat sintimo ay mahalaga sa akin.  Kaya iisipin ko muna kung anong bibilhin ko na kailangan ko talaga.  Anyhow, ganoon ang magkaroon ng radio, kailangang gumastos ka pero ang aming radio na OFWK RadioFM ay libre, ‘ika nga no dimes spent para lang magkaroon ng radio in other words FREE o libre.

Ang ibang mga programa dito sa OFWK RadioFM ay hindi pag may-ari.  Kinukuha o nakuha lang din namin sa pamamagitan ng internet, websites, newspaper, magazine, balita at iba pa sa pamamagitan ng iba’t ibang sources at dito lang namin sine-share sa radio para atleast napakinggan ng kapwa pinoy natin na nasa ibang bansa man o Pilipinas at nakaka aliw mapakinggan at kung minsan may natutunang aral kaya o nakapag share ng idea sa mga listeners sa radio. At sa mga istorya at kwento namin dito sa radio na nabasa at ginagamit na kayo ang may-ari, salamat na lang din dahil sine-share lang din namin.  Kung medyo very personal ang detalye, itoy binabago rin namin ang mga pangalan para naman ma-protiktahan yun  pang personal nilang reputasyon.  Kung may ma-ishare din kayo, pwede rin kayong sumulat sa amin o  e-message sa akin sa pamamagitan sa mga address ko sa Facebook kung saan doon ninyo kami ma reach. Kung gusto ninyo ako maging kaibigan o sumulat sa akin paki click na lang ang link na pang personal ko dito sa  https://www.facebook.com/djborriz.ofwkradiofm.   At kung gusto rin naman ninyo sumali sa grupo ng OFWK RadioFM paki click na lang din ang link na ito kung saan ihahatid kayo sa grupo mismo kung saan karamihan ay mga OFW din ang kasali.  Maski hindi ka OFW kung pinoy ka rin, pwede ka ring sumali sa grupo at pwede rin kayong magsulat kung gusto ninyo basta hindi lang bastos ang isususlat o ang e post ninyo dahil ang grupo din ay pang public at pang masa.  Ito naman ang link ng grupo :   https://www.facebook.com/groups/OFWKABAYANRADIOFMFANS/  kung saan marami na ring mga sumasali.   Ang OFWK RadioFM ang may sariling Page din kung saan pwede rin kayong bumisita at mag-LIKE  doon at ito naman ang link:  https://www.facebook.com/OFWKabayanRadioFm/ .

Kung cellphone ang gamit ninyo, pwede rin ninyo kaming mapakinggan dito sa link na ito:  http://ofwkabayanradiofm.radiostream321.com/ .  Dahil kung ang website namin ang dadalawin ninyo, wala kayong maririnig kasi masyadong  malaki kung yun ang papasyalan ninyo dahil hindi kaya ng cellphone ang site ng radio mismo namin.  Pwede ka lang sumali sa chat o mag request ng songs o ano pa ang gusto mong e-request like bumati, pangumusta etc.  Pwede lang mapakinggan ang website kung loptop o desk computer mo o yung pwede ang website e browse ng pang malakihan.



OFWK RadioFM Management